Miyerkules, Marso 12, 2014

Rebyu (Werewolf Boy)

Suring Pampelikula

(The Werewolf Boy)


             Ang pelikulang ito ay naka-kategorya sa Romance at Fiction na nailabas noong 2010 mula sa bansang Korea, sa direksyon ni Jo Sung Hee.

             Ito ay tumutukoy sa pag-iibigan ng dalawang karakter na may mag-kaibang katauhan. Si Song Jong Ki na gumanap bilang bidang lalaki ay isang Werewolf na nagkagusto sa isang mortal na pinagganapan naman ni Park Bo Young. Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang makita ni Bo Young si Jong Ki sa sulok ng kanilang lugar. Dahil sa awa na naramdaman ng kanyang ina, naisip nila itong patirahin muna sakanila ng pagsamantala hangga't di pa nahahanap ang tunay na pamilya nito. Ayaw niya namang makasama ito dahil sa pinapakita nitong ugali, ngunit wala na siyang magagawa. Nagsimula silang maging malapit sa isa't-isa, mula nang ipagtanggol ni Jong Ki si Bo Young mula kay Kim Soo Hyun, na may gusto naman sakanya. Niligtas niya rin si BoYoung mula sa pabagsak na malaking metal at siya ang natamaan, dito naipakita ang kanyang tunay na lakas dahil hindi manlang siya nasaktan. Tinuruan ni Bo Young si Jong Ki na magsulat, kumain ng tama at magsalita. Minsan ay tinutugtugan pa niya ito at dito nang nagsimulang mahulog ang loob nila sa isa't-isa. Ngunit, naging komplikado ang lahat nang pinilit ni Soo Hyun si Bo Young na ibigin siya nito at nagawa pa nitong saktan siya. Nakita ni Jong Ki ang ginawa nito, kaya nagsimula na siyang mainis at nag-iba na ang kanyang anyo, naging isa siyang taong lobo at sinaktan si Soo Hyun. Napigilan naman ito ni Bo Young dahil nakikinig ito sakanya. Nagsimula nang sampahan ng kaso ni Soo Hyun si Jong Ki. Pilit niyang pianglalayo ang dalawa dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Bo Young. "Ipangako mo sakin na matututo kang magsulat at magsalita. Babasahin mo ang 'Snowman' sakin ha. At ipapangako ko naman na sabay tayong gagawa ng snowman" Ang sambit ni Bo Young kay Jong Ki. Hanggang sa umabot na ikulong si Jong Ki at hindi na sila pinagtatagpo. Lubha silang nalungkot pareho, kahit na hindi man masabi ni Jong Ki dahil hindi nga siya nakakapagsalita. Napatay naman ni Jong Ki si Soo Hyun sa sobrang inis nito. Hindi na niya kasi napigilan ang galit niya dito. Nang biglang nahimatay si Bo Young dahil sa sakit nito, nataranta si Jong Ki at dinala niya ito sa gubat at doon niya ito binantayan. Inisip ng mga tao na kinain na ni Jong Ki si Bo Young kaya pinaghahanap siya ng mga pulis. "Umalis ka na! Papatayin ka nila" Pilit na sinasabi ni Bo Young ngunit ayaw pa ring lumayo ni Jong Ki. Umiiyak na si Bo Young at hinaplos ni Jong Ki ang mukha niya. "Umalis ka na sabi! Babalikan kita, pangako" Ngunit hindi pa rin ito sinunod ni Jong Ki. "Umalis ka na! Hindi kita gusto! Ayoko sayo!" Sabi ni Bo Young. Dahil sa sinabi niyang ito, lumayo na si Jong Ki. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang umiyak.

           Lumipas ang dekada, at ngayon ay matanda na si Bo Young. Muli niyang binalikan ang kanilang lugar noon at muling inalala ang lahat ng memories doon. Hanggang sa managinip siya na muli niyang nakita si Jong Ki na nakangiti. Nilapitan niya ito at saka niya niyakap. Gaya nang ipinangako ni Jong Ki, natuto na siyang magsalita at  sumulat. Binasa ni Jong Ki ang istoryang 'Snowman' para sakanya. Ngunit nagising nalang siya at nalamang panaginip lang pala ang lahat. Habang papaalis siya ay pinagmasdan na lamang siya ni Jong Ki na papalayo mula sakanya. Nag-aantay pa rin ito sakanya hanggang ngayon dahil ito nga ang ipinangako niya sakanya. Ngayon ay mag-isa na lamang siyang gumagawa ng Snowman at nasira ang lahat nang pangako na binitiwan ni Bo Young.

           Nakakaiyak ang istoryang ito sapagkat hindi sila nagkatuluyan sa huli at nasira pa ang lahat nang pangakong binitiwan nila. Grabeng emosyon talaga ang madarama mo kapag napanuod mo ito.

            Tiyak na magugustuhan ito nang lahat nang mga mahilig sa Fiction at Tragedy movie. Halos lahat naman ay magugustuhan ang istoryang ito dahil sa magandang konsepto nito.

            Ang pinapaksa nang pelikulang ito ay, 'kaya mong gawin ang lahat para sa taong minamahal mo kahit na alam mong mali at may maapektuhan'. Pinapatunayan din rito na 'Promises are meant to be broken'.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento