Suring Pang-babasahin
(She’s
Dating the Gangster)
Ang “She’s Dating the Gangster” ay isang Wattpad Story sa bansang
Pilipinas na nai-publish noong 2007 – 2008 mula sa author na si “SGWannaBe”.
Ito ay umiikot sa istorya ng isang babae na si Athena Dizon na lumipat
sa Pilipinas hanggang sa makilala niya ang isang gangster na si Kenjie delos
Reyes na napaka-popular at heartthrob sa buong Campus. Pinilit siya nitong magpanggap
na maging sila kahit na fake realationship lang. Nais ito ni Kenji dahil gusto
niyang muling bumalik sa kanya si Athena Abigail Tizon. Mahal niya pa rin ito
hanggang ngayon, since may atraso naman si Athena sakanya, ito na lamang ang
hinihingi niyang kabayaran. Noong una ay hindi pamapayag si Athena, ngunit sa huli
ay napapayag rin siya nito. Dahil dito
nagsimula silang maging malapit kahit na ayaw ni Athena sa ugali ni Kenjie
dahil nga gangster ito. Minsan ay nakakaramdam ng selos si Athena sa twing nakikita
niya si Abigail at Kenjie na magkasama, ngunit alam niyang wala naman siyang
karapatan. Nagkagusto pa nga siya kay Lucas na naging kaibigan ni Kenjie at
kasalukuyang boyfriend naman ni Abigail. Ngunit, hindi naman niya namalayan na
may gusto na pala siya kay Kenjie. At talagang minahal niya na ito kahit alam
niyang hindi dapat dahil nasa pretend relationship lang naman sila. Nagkagusto
rin si Kenjie sakanya ngunit mas umaangat pa rin talaga si Abigail. Nalaman na
lamang ni Athena na may sakit pala siyang HCM. Sobra siyang nasaktan ni Kenjie,
dahil hindi nito masuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya. Ngunit andyan
naman si Lucas na handa rin siyang mahalin,ngunit si Kenjie na talaga ang
tinitibokng puso niya. Mas pinili na ngayon ni Kenjie si Abigail, lalo na nang
malaman niyang hindi pa rin magaling ang sakit nito. Ngunit, hindi niya alam na
may sakit rin si Athena, at pwede itong mamatay ano mang oras. Sobrang nainis
kay Kenjie ang lahat ng malapit kay Athena. At ngayon ay inamin na ni Athena
ang tunay niyang kalagayan ngunit hindi ito naniniwala. Iniisip niya na
gawa-gawa lamang ito ni Athena. “Oo nga pala. May sakit ka. Pwede ka nga palang
mamatay anytime. Teka, bakit buhay ka pa?” Yan ang mga katagang binitiwan ni
Kenjie na ikinalungkot nang sobra ni Athena.
Nalaman rin ni Kenjie ang lahat at humingi siya nang tawad. Hindi siya
magawang matanggap ng mga malalapit kay Athena ngunit dahil mahal siya ni
Athena, tinanggap nito ang sorry niya.
Naging okay din sila, at ninais na nilang magpakasal bago pa man mamatay
si Athena. Dahil ilang taon na lamang ang nalalabi para sa kanya. Araw-araw ay
nagdarasal si Kenjie na habaan pa nang panginoon ang buhay nito at nang
mapatunayan niya ang pagmamahal niya para dito. Nangako pa si Kenjie na pupunta
sila sa Soju Island. Ngunit hindi na nangyari ito, mag-isa na lamang na pumunta
si Kenjie sa isla. Nakatingin sa larawan ni Athena at inaalaala ang lahat ng
masasaa nilang nakaraan. Hanggang sa mapanuod rin niya ang video tape na
maymensahe ni Athena. Sobra siyang nalungkot sa mga sinabi nito. Naiyak na lamang
siya at naiisip na sundan si Athena. Naalala niya na sila si Romeo at Juliet,
na magsasama hanggang sa kabilang buhay.
Napakalungkot nang istoryang ito at siguradong lahat ay mapapaiyak.
Tragedy talaga ang nangyari sakanila ngunit maganda pa rin ang daloy nang
istorya dahil pinakita dito ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.
Siguradong magugustuhan ito nang lahat nang
mambabasa dahil patok na patok ngayon sa kabataan ang Wattpad Stories o Ebook.
At kakaiba talaga ang istorya niya dahil tragedy ang nangyari ngunit maganda pa
rin ang naging istorya niya dahil sa ganda ng mensahe nito.
Pinatunayan lamang dito na “Love stays until the end ”. Ipinapikita dito
na ang tunay na nagmamahalan ay hindi nag-iiwanan kahit na anong hirap man ang
kanilang nararanasan. Dahil ang pag-ibig ay hindi lamang para sa salitang
kaginhawaan, kundi maging sa salitang kahirapan. At kaya mong gawin ang lahat
para sa pag-ibig, maging ang harapin ang kamatayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento