Sabado, Enero 4, 2014

BUOD#3

The Gifted Hands

ni Kwon Ho-Young

          Si Yang Choon-Dong ay isang detective na mayroong pinakamababang kasanayan. Isang araw may babaing pumunta sa istasyon ng pulis at sinabing nawawala ang kanyang anak. Hindi naman masyadong inintindi ng ibang detective ang kasong ito. Pero naniniwala si Choon-Dong na seryosong kidnapping ang kasong ito. Hinayaan na lamang si Choon-Dong ng kanilang head na siya ang mag-imbistiga sa kasong ito.
         Nahinuha naman ni Choon-Dong nang gabing iyon na maaaring may kinalaman si Kim Joon sa kasong iyon. Sapagkat nakita niya ito na nagpinta sa pader sa parehong lugar at sa disoras ng gabi.
         Kinabukasan ay nakita na lamang nila ang bangkay ng bata na hindi manlang nareresolba kung sino ang may gawa nito.
         Nabilataan naman niya na malapit lang sa kanila kung saan natagpuan ang bangkay ng bata. Ang  lugar na iyon ay pareho sa lugar na ipininta ng binata sa pader. Naisip nga niyang maaaring ang binatang iyon ang gumawa ng krimen. Ngunit nalaman niyang may kakayahan lamang itong makakuha ng impormasyon o alaala sa pamamagitan ng pisikal na koneksyon na tinatawag na Psychometry Ability. Nalaman kasi ni Kim Joon ang tungkol sa masamang alaala ni Choon-Dong sa kanyang kapatid. Ipinipinta na lamang ni Kim Joon ang lahat ng impormasyon na maaaring makatulong sa kanila dahil hindi niya ito maaaring maipahayag.
        Tinulungan na lamang ni Kim Joon si Choon-Dong na maresolba ang kaso. Nagbigay siya ng impormasyon ngunit hiniling niya na huwag sasabihin kanino man ang tungkol sa kanyang kakahayahan. Ngunit pinilit si Choon-Dong ng kapwa niya detective kung saan niya nakuha ang impormasyong iyon at nasabi niya ito. Nagalit si Kim Joon dahil nangako si Choon-Dong na hindi niya ito sasabihin. Sinunod niya si Choon-Dong na magbibigay siya ng impormasyon. Ngunit sinabi niya sa mga detective na kaya niya iyon nalaman dahil siya ang pumapatay. Hindi naniniwala si Choon-Dong. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa kanyang nagawa. Nagalit ang buong tao kay Kim Joon. Humingi ng isa pang pagkakataon si Choon-Dong. Pinagbigyan naman siya nito at sabay nilang inresolba ang kaso. Nakuha nila ng buhay ang bata, at iniligtas pa rin ni Choon-Dong ang pumapatay mula sa pagkakahulog nito sa isang gusali kahit na pinagsasaksak siya nito. Ilang araw pa lamang ay gumaling na ang mga sugat ni Choon-Dong. Dinalaw siya ng itinuturing na niyang kapatid na si Kim Joon, ngunit tulog siya ng mga oras na iyon. Hindi niya na rin ito nakita. Pero patuloy pa rin silang tinutulungan nito gamit ang mga ipinipinta nitong impormasyon sa mga pader. At ngayon ay alam na ni Kim Joon na hindi rin pala masama ang kanyang kamay dahil sinisisi niya ito sa pagkawala ng kanyang ina. Ngunit ngayon ay nakapagligtas siya ng buhay gamit ang pinagpala niyang kamay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento