May Buhay sa Looban
ni Pedro S. Dandan
Kay tagal ng naghihintay ni Popoy sa trak na maghahakot ng kanilang gamit upang lumipat sa Dampaliat. Binali niya ang kanyang daliri hanggang lumagatok nang pang labintatlo. Hindi na niya ito napaabot ng labing-apat kaya't tumibay ang hinala niyang mabibigo ang kanyang pag-asam na masiraan ang trak. Tiyak na mawawalay na siya sa looban.
Ang looban ay isang maliit na nayon na may bahagyang ganda. Dito ay naglalaro si Popoy kasama ang kanyang mga kababata. Si Pentong na anak ni Aling Tecla ay maraming kaaway na kapwa bata, at kabilang na doon si Popoy.
Hindi naman nagawang magalit ng mga bata kay Popoy kahit na marami itong ginagawang kalokohan. Kinilala na siya ang looban at ang looban ay sa kanya.
Palakasan siyang itinayo ng kanyang kuya at tumilim sa kan ya ang lungkot pagkat aalis na siya sa looban. Siya ang hari ng mga bata sa looban, madala niya kaya yun hanggang sa Dampalit?
Ang dampalit ay malayo sa kanyang paningin. Limitan nya ang pagdalaw sa Looban.
Sinisisi niya ang kanyang ama sa kanilang paglipat. Hindi niya maunawaan ang kanyang ama. Kung minsan ay nagkakagalitan pa sila.
Namataan ni Popoy ang kanyang kalaro. Nais nilang magpasikatr si Popoy sa baras sapagkat aalis na siya. Si Popoy ay matipuno kaya't nang nagbaras siyya ay nagkahugis ang kanyang kalamnan. Natahimik ang lahat lalo na si Lina.
May itinitik sila silang "Popoy and Lina" sa kaputol ng tisang puti. Tinutukso sila ni Lina. "Salbahe!" sabi ni Lina kay Pentong. Sinuntok ni Popoy si Pentong ngunit hindi ganoon kalakas gaya ng dati sa twing tutuksuhin sila ni Lina.
Narinig nilang bigla ang trak na hinihintay ni Popoy. Nagpaalam na si Popoy sa kanyang mga kalaro. Inilibot nya aang kanyang paningin sa kanyang kalaro, sa looban, saka inihimpil ng matagal kay Lina. Umandar na ang trak at nahabilin sa kanyang balintanaw ang malulungkot na mukha at ang kamay na ikinakaway. Napiyak si Popoy. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napaiyak siya. Hindi niya madalumat kung pano nakilala ng luha ang walang ggulat na "hari" ng Looban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento