Linggo, Enero 26, 2014

Happy Ako :D

Enero 26, 2014

              Ngayong araw ay pumunta kami sa lugar na madalas naming puntahan ng mga kaibigan ko. At doon ay naglaro lang kami nang kung anu-ano at para talaga kaming mga bata. Pero super saya dahil enjoy silang kasama :)

Sabado, Enero 25, 2014

Movie is Love

Enero 25, 2014

             Sabado naman ngayon kaya nag-movie marathon lang ako mag-isa. Kung anu-anong horror movies yung pinanuod ko. Ayan! Lagi tuloy akong nagugulat. Pero hindi ako natatakot ah! Nagugulat lang :P Grabe ang saya talagang manuod ng mga pelikula lalo na kung foreign movies pa :). Whahaha! Im so bad! Para ko namang minamaliit yung Pinoy movies, pero hindi ah. Mas trip ko lang talaga ang movies ng ibang bansa :)

Biyernes, Enero 24, 2014

Talaarawan

Enero 24, 2014

          Ngayong araw ay tinalakay namin ng bahagya ang akdang "Ang Kalupi". Pagkatapos ay gumawa kami ng istorya tungkol sa magkapatid na si Juana at Maria na may suliraning pagkawala ng paboritong kwintas ni Juana. Iniligaya namin ito sa isangmakulay na papel. Binigyan naman kaming aming guro ng takdang-aralin tungkol sa "Himala".

Huwebes, Enero 23, 2014

Ulat

Enero 23, 2014

        Nagkaroon kami ng talakayan tungkol sa akdang "Ang Kalipu" batay sa banghay nito. Nagkaroon din kami ng pangkatan at may iniatas ang aming guro na iba't ibang taga-ulat sa bawat pangkat. Pinili niya ang mga magugulo o tahimik lang na parang hindi tumutulong sa grupo. Nakapag-ulat naman ng maayos yung iba ngunit karamihan ay hindi naging maayos ang pag-uulat.

Miyerkules, Enero 22, 2014

Enero 22, 2013

         Muli naming tinalakay ang akdang "Ang Kalupi". Nag-ulat rin ang iba't ibang pangkat batay sa naiatas sa kanila. Pagkatapos ay tinalakay namin ang banghay. Inalam rin namin kung ano ang Simula at Saglit na Kasiglahan ng akda.

Enero 22, 2014

          May ilan kaming kamag-aral na gumanap bilang tauhan sa akdang "Ang Kalupi". Dapat ay mayroon pa kaming sasagutan na matatalinhagang pahayag ngunit kinapos na kami sa oras. Bukas nalnag din namin ipapasa ang kopya namin ng akda.

Enero 21, 2014

        Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain tungkol sa paggawa ng tulang pangdamdamin. Kailangang magbigay ng bawatv miyembro ng tig-iisang saknong.

zxcvbnm

Enero 19, 2014

          Maghapon lamang akong nasa bahay. Wala akong masayadong ginawa ngayon maliban sa panunuod.

Praktis

Enero 18, 2014

         Ngayon ay mayroon kaming praktis ng aming kagrupo para sa sayaw na aming tatanghalin sa asignaturang MAPEH. Naging maayos naman ang daloy ng aming praktis.

Enero 17, 2014

        Wala ulit ako sa aming klase dahil ngayon na ang aming MTAP. Kinabahan ako at parang naantok kaya naman di ako makapagconcentrate. Sa kasamaang palad ay di na ako makakaabot sa Division Orals.

qwertyuiop

Enero 16, 2014

         Ngayong araw ay wala ulit ako sa aming klase dahil ito ang huling araw ng aing review. Kaya't nagtanong-tanong na lamang ulit ako ng kanilang ginawa.

Miyerkules, Enero 15, 2014

Yan lang ang alam ko

Enero 15, 2013

           Ngayong araw ay di ko alam ang nangyari sa aming klase dahil excuse nanaman kami. Nasa Computer Lab. lamang kami at nagrereview. Nagtanong nalang ako sa aking mga kamag-aral kung ano ang ginawa nnila at kung ano ang dapat ipasa bukas. Sabi nila ay pinagdadala lamang sila ng Colored Paper. Yan lang alam ko sa ngayon.

Martes, Enero 14, 2014

Excuse

Enero 14, 2014

         Ngayong araw ay hindi ko alam ang nangyari sa aming klase dahil excuse kami para magreview sa darating na MTAP. Ngunit iniwan ko naman sa aking kamag-aral ang aking mga Takdang-Aralin at nagtanong na rin ako tungkol sa aming mga Takdang-Aralin para bukas.

Lunes, Enero 13, 2014

4th Grading

Enero 13, 2014

          Ngayong araw ay lumipat na kami sa kwarto ng Aquamarine. At nagsimula na rin ang ika-apat na markahan. Iniwanan kami ni G. Mixto ng gawain tungkol sa "Ang Pamana" ni Jose Corazon de Jesus. Sinabi ni Sir na takdang-aralin ito kaya hindi namin ginagawa. Ngunit sinabi naman bigla ni Gng. Mixto na gawain ito ngayon at ipapasa.

Huwebes, Enero 9, 2014

Kabado

Enero 09, 2014

        Ngayon ang araw ng aming Ikatlong Markahang Pagsusulit. Medyo madali na may pagka mahirap ang exam, nakakalito kasi minsan eh. Kaya kinakabahan ako dahil baka mababa ang makuha kong iskor.

Handa Handa Din

Enero 08, 2014

           Ngayong araw ay binigyan kami ng pagsusulit ng aming guro. Paraan na rin namin ito upang makapaghanda sa Ikatlong Markahanag Pagsusulit namin bukas.

Enero 07, 2014

         Tinalakay namin ngayong araw ang takdang-aralin na ibinigay sa amin ng aming guro. Nagbigay siya ng halimbawa ng ironiya, simbolo at  tunggalian na napakaloob sa Noli Me Tangere.

Balikan Ang Nakalipas

Enero 06, 2014

          Ngayong araw ay gumawa kami ng sanaysay tungkol sa repleksyon ng nangyari sa amin noong nakaraang taon. Naging madrama pa ako sa sanaysay na aking ginawa. Pagkatapos ay binigyan kami ng Takdang-Aralin ng aming guro tungkol sa ilang salita at sa mga tauhan ng Noli Me Tangere.

Sabado, Enero 4, 2014

BUOD#3

The Gifted Hands

ni Kwon Ho-Young

          Si Yang Choon-Dong ay isang detective na mayroong pinakamababang kasanayan. Isang araw may babaing pumunta sa istasyon ng pulis at sinabing nawawala ang kanyang anak. Hindi naman masyadong inintindi ng ibang detective ang kasong ito. Pero naniniwala si Choon-Dong na seryosong kidnapping ang kasong ito. Hinayaan na lamang si Choon-Dong ng kanilang head na siya ang mag-imbistiga sa kasong ito.
         Nahinuha naman ni Choon-Dong nang gabing iyon na maaaring may kinalaman si Kim Joon sa kasong iyon. Sapagkat nakita niya ito na nagpinta sa pader sa parehong lugar at sa disoras ng gabi.
         Kinabukasan ay nakita na lamang nila ang bangkay ng bata na hindi manlang nareresolba kung sino ang may gawa nito.
         Nabilataan naman niya na malapit lang sa kanila kung saan natagpuan ang bangkay ng bata. Ang  lugar na iyon ay pareho sa lugar na ipininta ng binata sa pader. Naisip nga niyang maaaring ang binatang iyon ang gumawa ng krimen. Ngunit nalaman niyang may kakayahan lamang itong makakuha ng impormasyon o alaala sa pamamagitan ng pisikal na koneksyon na tinatawag na Psychometry Ability. Nalaman kasi ni Kim Joon ang tungkol sa masamang alaala ni Choon-Dong sa kanyang kapatid. Ipinipinta na lamang ni Kim Joon ang lahat ng impormasyon na maaaring makatulong sa kanila dahil hindi niya ito maaaring maipahayag.
        Tinulungan na lamang ni Kim Joon si Choon-Dong na maresolba ang kaso. Nagbigay siya ng impormasyon ngunit hiniling niya na huwag sasabihin kanino man ang tungkol sa kanyang kakahayahan. Ngunit pinilit si Choon-Dong ng kapwa niya detective kung saan niya nakuha ang impormasyong iyon at nasabi niya ito. Nagalit si Kim Joon dahil nangako si Choon-Dong na hindi niya ito sasabihin. Sinunod niya si Choon-Dong na magbibigay siya ng impormasyon. Ngunit sinabi niya sa mga detective na kaya niya iyon nalaman dahil siya ang pumapatay. Hindi naniniwala si Choon-Dong. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa kanyang nagawa. Nagalit ang buong tao kay Kim Joon. Humingi ng isa pang pagkakataon si Choon-Dong. Pinagbigyan naman siya nito at sabay nilang inresolba ang kaso. Nakuha nila ng buhay ang bata, at iniligtas pa rin ni Choon-Dong ang pumapatay mula sa pagkakahulog nito sa isang gusali kahit na pinagsasaksak siya nito. Ilang araw pa lamang ay gumaling na ang mga sugat ni Choon-Dong. Dinalaw siya ng itinuturing na niyang kapatid na si Kim Joon, ngunit tulog siya ng mga oras na iyon. Hindi niya na rin ito nakita. Pero patuloy pa rin silang tinutulungan nito gamit ang mga ipinipinta nitong impormasyon sa mga pader. At ngayon ay alam na ni Kim Joon na hindi rin pala masama ang kanyang kamay dahil sinisisi niya ito sa pagkawala ng kanyang ina. Ngunit ngayon ay nakapagligtas siya ng buhay gamit ang pinagpala niyang kamay.

BUOD2

May Buhay sa Looban

ni Pedro S. Dandan

         Kay tagal ng naghihintay ni Popoy sa trak na maghahakot ng kanilang gamit upang lumipat sa Dampaliat. Binali niya ang kanyang daliri hanggang lumagatok nang pang labintatlo. Hindi na niya ito napaabot ng labing-apat kaya't tumibay ang hinala niyang mabibigo ang kanyang pag-asam na masiraan ang trak. Tiyak na mawawalay na siya sa looban.
       Ang looban ay isang maliit na  nayon na may bahagyang ganda. Dito ay naglalaro si Popoy kasama ang kanyang mga kababata. Si Pentong na anak ni Aling Tecla ay maraming kaaway na kapwa bata, at kabilang na doon si Popoy.
      Hindi naman nagawang magalit ng mga bata kay Popoy kahit na marami itong ginagawang kalokohan. Kinilala na siya ang looban at ang looban ay sa kanya.
      Palakasan siyang itinayo ng kanyang kuya at tumilim sa kan ya ang lungkot pagkat aalis na siya sa looban. Siya ang hari ng mga bata sa looban, madala niya kaya yun hanggang sa Dampalit?
      Ang dampalit ay malayo sa kanyang paningin. Limitan nya ang pagdalaw sa Looban.
      Sinisisi niya ang kanyang ama sa kanilang paglipat. Hindi niya maunawaan ang kanyang ama. Kung minsan ay nagkakagalitan pa sila.
      Namataan ni Popoy ang kanyang kalaro. Nais nilang magpasikatr si Popoy sa baras sapagkat aalis na siya. Si Popoy ay matipuno kaya't nang nagbaras siyya ay nagkahugis ang kanyang kalamnan. Natahimik ang lahat lalo na si Lina.
      May itinitik sila silang "Popoy and Lina" sa kaputol ng tisang puti. Tinutukso sila ni Lina. "Salbahe!" sabi ni Lina kay Pentong. Sinuntok ni Popoy si Pentong ngunit hindi ganoon kalakas gaya ng dati sa twing tutuksuhin sila ni Lina.
      Narinig nilang bigla ang trak na hinihintay ni Popoy. Nagpaalam na si Popoy sa kanyang mga kalaro. Inilibot nya aang kanyang paningin sa kanyang kalaro, sa looban, saka inihimpil ng matagal kay Lina. Umandar na ang trak at nahabilin sa kanyang balintanaw ang malulungkot na mukha at ang kamay na ikinakaway. Napiyak si Popoy. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napaiyak siya. Hindi niya madalumat kung pano nakilala ng luha ang walang ggulat na "hari" ng Looban.

Biyernes, Enero 3, 2014

Buod

Buod ng Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

ni Genoveva Edroza Matute


         Maaaring binata o ama na siya ngayon, kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan. Sa akin ay hindi siya binata, ama o isang alaala ng Bataan. Siya'y mananatiling walong taong gulang na bata.
         Ilang taon man ang dumaan, lagi ko pa rin siyang maaalala sapagkat isang araw siya ay aking naging guro.
         Naiiba siya sa aming klasae, pangit, maliit, bilog at pipis ang ilong, at mayroon siyang nakakatawang tono sa pagsasalita. Ngunit mayroong bagay na kaibig-ibig sa kanya, sapagkat matulungin siya. Nagtataka pa nga ako sa kanyang pagiging mahiyain. Nalaman ko naman ang katotohanang siya'y nisang munting ulilang bata na lumuwas sa lungsod para maging utusan.
         Nadama ko ang kakaibang kalungkutan. Nais kong maging katulad siya ng ibang bata na masayang naglalaro.
        Pinagagawa ko siya ng maraming bagay para sa akin. Ang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-uugnay sa amin ng pangit na ito. Lagi ko siyang naaasahan. Unti-unti ko namang nararamdaman ang kanyang kasiyahan sa pag-aakalang nagmamalasakit ako at may gusto sa kanya.
        Nakikita ko na siyang nakikipaglaro at nakikipaghabulan tulad ng isang normal na bata. Kinakausap ko pa siya at sumasagot siya ng pagaril sa Tagalog. Masigla na rin siya kung sumagot ng "GoodBye Teacher". Ngayon ay tiyak ko na hindi na siya totoong napag-iisa at hindi na siya nalulumbay.
       Ang paraan na pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal. Maligaya na siya.
       Isang araw, sa paglingon ko sa mga dumadaang tao'y naamin ko sa aking sarili na kasalanan ko ang nagyari. Mainit non ang aking ulo at nagawa ko ang di dapat gawin. Matindi ang galit ko sa kanya. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa't kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanya siya'y mahalaga at minamahal. Nang hapong iyon ay bumalik siya sa dating siya. Hindi niya ako pinapansin ni minsan lamang. Naisip kong galit siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan ako, at nasantabi ang pagmamahal niya sa akin.
        Tila may binubulong kapasiyahan sa kanyang loob.
        Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito itinatanong kong paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin.
        Ang mga mata niya'y nakipagsalubungan sa akin at nagsabing "GoodBye Teacher". At umalis na siya.
        Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
        Naggunita ko ang pagpapakumbaba sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon. Nang sandaling yaon, siya ang aking guro.

Huwebes, Enero 2, 2014

Bagong Taon

Disyembre 31, 2013


         Ito na ang araw kung saan sasalubungin na natin ang Bagong Taon. Siguradong magiging masaya to. Bago kami manuod ng putukan ay nagmovie marathon muna kami sa bahay ng isa kong kaibigan kasama ang kuya niya, ang mga pinsan ko at iba ko pang kaibigan. Pagkatapos naming manuod ay putukan naman ang pinanuod namin. Grabe ang ganda talaga ng fireworks. Busog much pa ako ngayon,  ang taba ko na tuloy. Pero okay lang yan, minsan lang marasming handa :)

FireWorks :)

Disyembre 30, 2013

          May gala kami ngayon ng mga pinsan ko sa RiverBank. Grabe napakadaming tao, mukha na silang langgam kung titignan mo sa malayuan. Pero sa dinami dami ng tao, biruin mo nakakita pa ako ng mga kakilala ko. Inantay lang namina ang mga pinsan ko yung fireworks. Grabe ang ganda, para silang babagsak sayo. Sana mas marami pa akong fireworks na makita bukas.

Haba ng Tulog

Disyembre 29, 2013

         Hay naku! Dalawang oras palang ang tulog ko. Hanubayan! Pero okay lang, simba naman pupuntahan namin eh. Pagkatapos naming magsimba ayun kumain muna ako tapos natulog na. Grabe sobrang haba ng tulog ko, hapon na ako nagising eh, magagabi na nga yun eh.

Party Party

Disyembre 28, 2013

         Ayun oh! Christmas party pala namin ngayon kasama ang Brgy. Employees at ang mga kagawad at kapitan. Haha! Saya much. Nabunot ako sa pa-raffle. Sasali pa nga sana kami sa mga games kaso di pwede, pang-matanda lang yun eh. Hating gabi na kami nakauwi kasama ang kapwa SK , di na namin tinapos yung party. Pero madaling araw na ako nakauwi, nagstay muna kasi sa bahay nila eh.

Taong Bahay :D

Disyembre 27, 2013

         Ayun magdamag lang ako nasa bahay , movie marathon lang ulit mag-isa. Ang gaganda kasi ng mga movie na nabili ko eh. Pero pumunta ang mga pinsan ko ngayon sa bahay, kaya nagkwentuhan lang kami at nanuod na rin kasama sila.

TulogLang

Disyembre 26, 2013

       Anong oras na rin kaming nakauwi galing sa RiverBank, mga madaling araw na rin yun, ang hirap kasing sumakay eh. Kaya ayun, maghapo akong tulog. Haha

PaskoNgaBa

Disyembre 25, 2013

       Yun oh pasko na. Haha. Pasko nga ba?? Di ko dama eh. Mismong pasko kasi tapos sinisermonan ako. Ang saya diba?? Ayun pagdating ng gabi gumala nalang kami ng mga pinsan ko, atleast dun nadama ko ang saya.

SimbaSimbaDin

Disyembre 24, 2013

       Nagsimba kami ng pinsan ko at ng aking kaklase bago sumapit ang pasko, buti na lamang at naabutan pa namin ang misa. Nangaroling pa kasi kami bago magsimba:)

GanunLangUlit

Disyembre 23, 2013

       Parang walang pinagbago ang araw na ito sa mga lumipas na araw. Ganun pa rin naman. Nagmovie marathon lang ako mag-isa.

Nuod lang

Disyembre 22, 2013

        Ngayong araw ay nag-movie marathon lang ako ng mag-isa sa bahay. Sulit naman ang araw na to kahit na nanuod lang ako. Ang gaganda kasi ng movie eh, nakakaiyak yung mga napanuod ko.

Friends

Disyembre 21, 2013

          Ngayon ay kasama ko ang aking mga kaibigan. Kwentuhan lang at harutan tapos nangaroling na kami HAha :)

Wala lang

Disyembre 20, 2013

        Nanuod lang ako at pagdating ng gabi ay nangaroing kami. Wala akong masyadong ginawa ngayong araw.

Party

Disyembre 19, 2013

        Ngayon ang araw ng aming Chrismas Party. Naging masaya naman ang party dahil nanalo ako sa first game at busog much din :) After ng party ay gumala kami sa Sta. Lu. Ayun pagod much naman at sobrang sakit pa ng paa ko dahil naka-heels ako.