Miyerkules, Marso 12, 2014

Rebyu (She's Dating The Gangster)

Suring Pang-babasahin
(She’s Dating the Gangster)

               Ang “She’s Dating the Gangster” ay isang Wattpad Story sa bansang Pilipinas na nai-publish noong 2007 – 2008 mula sa author na si “SGWannaBe”.

              Ito ay umiikot sa istorya ng isang babae na si Athena Dizon na lumipat sa Pilipinas hanggang sa makilala niya ang isang gangster na si Kenjie delos Reyes na napaka-popular at heartthrob sa buong Campus. Pinilit siya nitong magpanggap na maging sila kahit na fake realationship lang. Nais ito ni Kenji dahil gusto niyang muling bumalik sa kanya si Athena Abigail Tizon. Mahal niya pa rin ito hanggang ngayon, since may atraso naman si Athena sakanya, ito na lamang ang hinihingi niyang kabayaran. Noong una ay hindi pamapayag si Athena, ngunit sa huli ay napapayag rin siya nito.  Dahil dito nagsimula silang maging malapit kahit na ayaw ni Athena sa ugali ni Kenjie dahil nga gangster ito. Minsan ay nakakaramdam ng selos si Athena sa twing nakikita niya si Abigail at Kenjie na magkasama, ngunit alam niyang wala naman siyang karapatan. Nagkagusto pa nga siya kay Lucas na naging kaibigan ni Kenjie at kasalukuyang boyfriend naman ni Abigail. Ngunit, hindi naman niya namalayan na may gusto na pala siya kay Kenjie. At talagang minahal niya na ito kahit alam niyang hindi dapat dahil nasa pretend relationship lang naman sila. Nagkagusto rin si Kenjie sakanya ngunit mas umaangat pa rin talaga si Abigail. Nalaman na lamang ni Athena na may sakit pala siyang HCM. Sobra siyang nasaktan ni Kenjie, dahil hindi nito masuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya. Ngunit andyan naman si Lucas na handa rin siyang mahalin,ngunit si Kenjie na talaga ang tinitibokng puso niya. Mas pinili na ngayon ni Kenjie si Abigail, lalo na nang malaman niyang hindi pa rin magaling ang sakit nito. Ngunit, hindi niya alam na may sakit rin si Athena, at pwede itong mamatay ano mang oras. Sobrang nainis kay Kenjie ang lahat ng malapit kay Athena. At ngayon ay inamin na ni Athena ang tunay niyang kalagayan ngunit hindi ito naniniwala. Iniisip niya na gawa-gawa lamang ito ni Athena. “Oo nga pala. May sakit ka. Pwede ka nga palang mamatay anytime. Teka, bakit buhay ka pa?” Yan ang mga katagang binitiwan ni Kenjie na ikinalungkot nang sobra ni Athena.
                 Nalaman rin ni Kenjie ang lahat at humingi siya nang tawad. Hindi siya magawang matanggap ng mga malalapit kay Athena ngunit dahil mahal siya ni Athena, tinanggap nito ang sorry niya.
                Naging okay din sila, at ninais na nilang magpakasal bago pa man mamatay si Athena. Dahil ilang taon na lamang ang nalalabi para sa kanya. Araw-araw ay nagdarasal si Kenjie na habaan pa nang panginoon ang buhay nito at nang mapatunayan niya ang pagmamahal niya para dito. Nangako pa si Kenjie na pupunta sila sa Soju Island. Ngunit hindi na nangyari ito, mag-isa na lamang na pumunta si Kenjie sa isla. Nakatingin sa larawan ni Athena at inaalaala ang lahat ng masasaa nilang nakaraan. Hanggang sa mapanuod rin niya ang video tape na maymensahe ni Athena. Sobra siyang nalungkot sa mga sinabi nito. Naiyak na lamang siya at naiisip na sundan si Athena. Naalala niya na sila si Romeo at Juliet, na magsasama hanggang sa kabilang buhay.

               Napakalungkot nang istoryang ito at siguradong lahat ay mapapaiyak. Tragedy talaga ang nangyari sakanila ngunit maganda pa rin ang daloy nang istorya dahil pinakita dito ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

             Siguradong magugustuhan ito nang lahat nang mambabasa dahil patok na patok ngayon sa kabataan ang Wattpad Stories o Ebook. At kakaiba talaga ang istorya niya dahil tragedy ang nangyari ngunit maganda pa rin ang naging istorya niya dahil sa ganda ng mensahe nito.


              Pinatunayan lamang dito na “Love stays until the end ”. Ipinapikita dito na ang tunay na nagmamahalan ay hindi nag-iiwanan kahit na anong hirap man ang kanilang nararanasan. Dahil ang pag-ibig ay hindi lamang para sa salitang kaginhawaan, kundi maging sa salitang kahirapan. At kaya mong gawin ang lahat para sa pag-ibig, maging ang harapin ang kamatayan.

Rebyu (Werewolf Boy)

Suring Pampelikula

(The Werewolf Boy)


             Ang pelikulang ito ay naka-kategorya sa Romance at Fiction na nailabas noong 2010 mula sa bansang Korea, sa direksyon ni Jo Sung Hee.

             Ito ay tumutukoy sa pag-iibigan ng dalawang karakter na may mag-kaibang katauhan. Si Song Jong Ki na gumanap bilang bidang lalaki ay isang Werewolf na nagkagusto sa isang mortal na pinagganapan naman ni Park Bo Young. Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang makita ni Bo Young si Jong Ki sa sulok ng kanilang lugar. Dahil sa awa na naramdaman ng kanyang ina, naisip nila itong patirahin muna sakanila ng pagsamantala hangga't di pa nahahanap ang tunay na pamilya nito. Ayaw niya namang makasama ito dahil sa pinapakita nitong ugali, ngunit wala na siyang magagawa. Nagsimula silang maging malapit sa isa't-isa, mula nang ipagtanggol ni Jong Ki si Bo Young mula kay Kim Soo Hyun, na may gusto naman sakanya. Niligtas niya rin si BoYoung mula sa pabagsak na malaking metal at siya ang natamaan, dito naipakita ang kanyang tunay na lakas dahil hindi manlang siya nasaktan. Tinuruan ni Bo Young si Jong Ki na magsulat, kumain ng tama at magsalita. Minsan ay tinutugtugan pa niya ito at dito nang nagsimulang mahulog ang loob nila sa isa't-isa. Ngunit, naging komplikado ang lahat nang pinilit ni Soo Hyun si Bo Young na ibigin siya nito at nagawa pa nitong saktan siya. Nakita ni Jong Ki ang ginawa nito, kaya nagsimula na siyang mainis at nag-iba na ang kanyang anyo, naging isa siyang taong lobo at sinaktan si Soo Hyun. Napigilan naman ito ni Bo Young dahil nakikinig ito sakanya. Nagsimula nang sampahan ng kaso ni Soo Hyun si Jong Ki. Pilit niyang pianglalayo ang dalawa dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Bo Young. "Ipangako mo sakin na matututo kang magsulat at magsalita. Babasahin mo ang 'Snowman' sakin ha. At ipapangako ko naman na sabay tayong gagawa ng snowman" Ang sambit ni Bo Young kay Jong Ki. Hanggang sa umabot na ikulong si Jong Ki at hindi na sila pinagtatagpo. Lubha silang nalungkot pareho, kahit na hindi man masabi ni Jong Ki dahil hindi nga siya nakakapagsalita. Napatay naman ni Jong Ki si Soo Hyun sa sobrang inis nito. Hindi na niya kasi napigilan ang galit niya dito. Nang biglang nahimatay si Bo Young dahil sa sakit nito, nataranta si Jong Ki at dinala niya ito sa gubat at doon niya ito binantayan. Inisip ng mga tao na kinain na ni Jong Ki si Bo Young kaya pinaghahanap siya ng mga pulis. "Umalis ka na! Papatayin ka nila" Pilit na sinasabi ni Bo Young ngunit ayaw pa ring lumayo ni Jong Ki. Umiiyak na si Bo Young at hinaplos ni Jong Ki ang mukha niya. "Umalis ka na sabi! Babalikan kita, pangako" Ngunit hindi pa rin ito sinunod ni Jong Ki. "Umalis ka na! Hindi kita gusto! Ayoko sayo!" Sabi ni Bo Young. Dahil sa sinabi niyang ito, lumayo na si Jong Ki. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang umiyak.

           Lumipas ang dekada, at ngayon ay matanda na si Bo Young. Muli niyang binalikan ang kanilang lugar noon at muling inalala ang lahat ng memories doon. Hanggang sa managinip siya na muli niyang nakita si Jong Ki na nakangiti. Nilapitan niya ito at saka niya niyakap. Gaya nang ipinangako ni Jong Ki, natuto na siyang magsalita at  sumulat. Binasa ni Jong Ki ang istoryang 'Snowman' para sakanya. Ngunit nagising nalang siya at nalamang panaginip lang pala ang lahat. Habang papaalis siya ay pinagmasdan na lamang siya ni Jong Ki na papalayo mula sakanya. Nag-aantay pa rin ito sakanya hanggang ngayon dahil ito nga ang ipinangako niya sakanya. Ngayon ay mag-isa na lamang siyang gumagawa ng Snowman at nasira ang lahat nang pangako na binitiwan ni Bo Young.

           Nakakaiyak ang istoryang ito sapagkat hindi sila nagkatuluyan sa huli at nasira pa ang lahat nang pangakong binitiwan nila. Grabeng emosyon talaga ang madarama mo kapag napanuod mo ito.

            Tiyak na magugustuhan ito nang lahat nang mga mahilig sa Fiction at Tragedy movie. Halos lahat naman ay magugustuhan ang istoryang ito dahil sa magandang konsepto nito.

            Ang pinapaksa nang pelikulang ito ay, 'kaya mong gawin ang lahat para sa taong minamahal mo kahit na alam mong mali at may maapektuhan'. Pinapatunayan din rito na 'Promises are meant to be broken'.

Linggo, Pebrero 2, 2014

Stress

Pebrero 02, 2014

          Next week na pala ang election para sa SSG Officers. Sana naman ma-elect ako as a officer. Pag Pray niyo ko guys! I will do my best naman as a leader eh. Basta support me ha! Mamats :*
          At siya nga pala, nagbasa lang ako ng Ebook today. Every weekend kasi talaga nililibang ko sarili ko. Nakakapagod kasi every school days eh. Laging stress sa mga kung anu-anong activities. Pero okay lang, mahilig naman akong mag-roam around sa school XD Hay naku! Nakaka Stress :D

Sabado, Pebrero 1, 2014

Advertisement XD

Pebrero 01, 2014

           Pagkagising ko dumeretso agad ako sa Desktop namin para ipagpatuloy yung ginagawa kong story sa Wattpad. Guys, pakibasa na rin ha. Just search Tacit Lavish and makikita niyo dun yung story ko : Falling for Mr. Worst. Pakiread, share and vote na rin ha. Sorry kasi hindi pa pala siya completed. Pero don't worry, I will did my best para matapos yun :) Okay! Enough na! Nag-aadvertise na ako nang story ko eh XD

Linggo, Enero 26, 2014

Happy Ako :D

Enero 26, 2014

              Ngayong araw ay pumunta kami sa lugar na madalas naming puntahan ng mga kaibigan ko. At doon ay naglaro lang kami nang kung anu-ano at para talaga kaming mga bata. Pero super saya dahil enjoy silang kasama :)

Sabado, Enero 25, 2014

Movie is Love

Enero 25, 2014

             Sabado naman ngayon kaya nag-movie marathon lang ako mag-isa. Kung anu-anong horror movies yung pinanuod ko. Ayan! Lagi tuloy akong nagugulat. Pero hindi ako natatakot ah! Nagugulat lang :P Grabe ang saya talagang manuod ng mga pelikula lalo na kung foreign movies pa :). Whahaha! Im so bad! Para ko namang minamaliit yung Pinoy movies, pero hindi ah. Mas trip ko lang talaga ang movies ng ibang bansa :)

Biyernes, Enero 24, 2014

Talaarawan

Enero 24, 2014

          Ngayong araw ay tinalakay namin ng bahagya ang akdang "Ang Kalupi". Pagkatapos ay gumawa kami ng istorya tungkol sa magkapatid na si Juana at Maria na may suliraning pagkawala ng paboritong kwintas ni Juana. Iniligaya namin ito sa isangmakulay na papel. Binigyan naman kaming aming guro ng takdang-aralin tungkol sa "Himala".