Biyernes, Oktubre 18, 2013

Talaarawan

Oktubre 14, 2013

          Ito ang simula ng aming Ikatlong Markahan. Kaya't kami ay nagsimula ng magtalakay ng panibagong aralin. Tinalakay namin ang tulang "Luha" ni Rufino Alejandro. Nagkaroon rin kami ng gawain na kung saan ibubuod namin ang tukla gamit ang iba't ibang talata. Ang "Luha" ay tungkol sa batang lalaki na pinagsabihan ng kanyang magulang na mag-ingat sa landas ng buhay na kanyang tatahakin. Ngunit nang nagsimula siyang lumaki ay hindi niya sinunod ang payo ng kanyang mga magulang at siya ay nalunod sa masamang bisyo. Sa kanyang pagtanda ay pinagsisihan niya ang kanyang nagawang pagkakamali.
          Ang Takdang-Aralin naman namin sa araw na ito ay magkaroon ng kopya ng tulang "Luha".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento